Tanging ikaw lang ang minamasdan ko
Nakatuon buong pansin ko
Sa bawat galaw,
Sa bawat paglipat
Marahil minsan ika'y nasisilaw rin
Kibit-balikat bawat ningning
Wala kang sablay
Magbago mang kulay
[Chorus]
Nakahihigit man ang ilan
Ikaw lang ang aking inaasam
Wala na akong iba pang kailangan
Wala kang katulad
Bago pa man tuluyan na magdilim
Igawad kahit konting pansin
Punan ang patlang
Sa ating pagitan
(Repeat Chorus)
Wala kang katulad
Wala kang katulad
Nakabinbin sa 'yong pagtitig
Pangako ng nakalaang pag-ibig
Asahan mong ako'y maghihintay
[Interlude]
(Repeat Chorus)
Nakahihigit man ang ilan
(Nakahihigit man ang ilan)
Ikaw lang ang aking inaasam
(Ikaw lang ang aking inaasam)
Wala na akong iba pang kailangan
(Wala na akong iba pang kailangan)
Wala kang katulad