Upuan by Gloc-9 feat. Jeazell Grutas



[Chorus]
Kayo po na nakaupo
Subukan niyo namang tumayo
At baka matanaw
At baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko

(Gloc 9)
Tao po andyan po ba kayo
Sa loob ng malaking bahay at malawak na bakuran,
Mataas na pader pinapaligiran
Ng nakapilang mga mamahaling sasakyan.
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Waka namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala
Ang tutong at ang kanin ay sing puti ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakataon pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

(Repeat Chorus)

Gloc 9
Mawalang galang na po sa taong nakaupo
Alam nyo bang pangtakal ng bigas namin ay di puno
Ang dingding ng bahay namin ay pinagtagpi tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takore kulay uling
Gamit ang pang gatong na inanod lamang sa estero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang pa rin, ulam na tuyo't asin
Ang singkuwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang o mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pero niyo
Walang doctor na makapagpapalinaw ng mata niyo kaya

[Last Chorus]
Wag kang masyadong halata
Bato bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
Bato bato bato sa langit
Ang matamaan ay wag masyadong halata
Wag kang masyadong halata
Wag kang masyadong halata
Wag kang masyadong halata

Search

Pinoy MYX Countdown

Pinoy MYX Countdown October 16 - October 22, 2010

  • Pakiusap Lang by Parokya ni Edgar
  • Lakad by Sandwich
  • Jeepney Love Story by Yeng Constantino
  • Kung Wala Ka by Nikki Gil
  • I Remember the Girl by Christian Bautista
  • Disney by Tanya Markova
  • Can't Get Enough by Young JV
  • Ang Aking Awitin by Sarah Geronimo and Sam Milby
  • Dit it Ever by Gary Valenciano
  • Back to Love by Quest
  • Time Machine by Nyoy Volante
  • Kaya Mo by Protein Shake, Ney & Kean
  • Waiter by Eevee
  • Landi by Hansom
  • Yakap by Ogie Alcasid
  • I Believe by Jed Madela
  • I Love You Girl by XLR8
  • Pangako by Cueshe
  • Don't Say You Love Me by Krissy & Ericka
  • We Belong Together by Miguel Escueta

eXTReMe Tracker

Who's online

There are currently 1 user and 2 guests online.

Online users

  • Lily8186o

Disclaimer

All music and lyrics in Sintunado.com are property and copyright of their respective artists and owners. They are posted here for personal, educational or review purposes only. If you like any copyrighted content, please buy it!

Browse Lyrics