Muli namang umihip sa akin
Ang hangin ng pag-iisa
Liwanag kang dagling sumilaw
Sa aking mga mata
Nililingon, sinusundan
Dumadalas ang minsan
Ika’y nariyan, abot-tanaw
Kahit walang dahilan
[Chorus]
Maiiwasan ba
Ang bawat sandaling
Ikaw ang laman ng isip ko
(Maiiwasan bang)
Ngayo’y lilipas nang hindi kita nasisilayan
(Nagkamali sa’yo)
Nararapat bang pigilan ang damdamin pa
(Maiiwasan bang)
Lalong mahulog sa iyo
Walang maitutulad sa sumpang iyong nilikha
Putulin man ang tali ay sadyang walang kawala
Sa pagkaka-akit at di paglapit
Nananalangin at umaasa
(Repeat Chorus)
A-ha (7x)
(Repeat Chorus)
Lalong mahulog sa iyo
Hindi padadala
Hinding-hindi padadala
Hindi padadala…