Sa oras ng paglubog ng araw na may hapis
Lumuluha ang buong daigdig, naulila sa pag-ibig
Ang buntong-hininga sa tubig naririnig
Ng dibdib ng kanlurang may daluyong ng hinagpis
Sandaling malungkot sa pusong sumisinta
Lalo't nalilimi na ang sukli'y pangamba
At kung takipsilim ay anong ligaya
Nang mamatay dahil sa pagka-ulila
Sandaling malungkot sa pusong sumisinta
Lalo't nalilimi na ang sukli'y pangamba
At kung takipsilim ay anong ligaya
Nang mamatay dahil sa pagka-ulila
