Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
‘Di ko na alam ang gagawin ko sa iyo
Paikot-ikot na nalilito
Ba’t ganito?
Paggising sa umaga, ikaw ang nasa isip
Pagtulog sa gabi, laman ng panaginip
Mahal ba kita, o ano, ewan ko
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo
Simula nang makilala, hindi maipinta ngiti sa mata
Magdamag ang kwentuhan, kulitan, tawanan
‘Di ko maintindihan, bakit ngayon lang
Kung kelan ang puso ko ay maselan?
[Chorus]
Hindi mo lang alam,
Takot lang akong masaktan
Iniingatan lang aking puso, oh
Kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo
‘Di na sana tayo nagkakaganito.
Pasensya ka na kung hanggang dito muna tayo
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo.
Paikot-ikot na nalilito
Ba’t ganito?
Urong-sulong, ‘yan ang paborito.
Lilitaw, lulubog, tanong mo kahit sino
Pakisabi na lang
Ano ba talaga’ng gusto mong gawin ko, hoh
(Repeat Chorus)
Pakiusap lang
Huwag mo na akong tignan nang ganyan
Nakakatunaw ang iyong tingin
Hinay-hinay na lang
Mahina ang kalaban
Baka hindi na maiwasang
Mahulog nang tuluyan
(Repeat Chorus)
Hanggang dito na lang,
Hanggang dito na lang, yeah!
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib (Repeat 8x)
