Ang dami kong nadidinig na katanungan
Bakit daw, anong nangyari
Ang sagot ko, ewan ko hindi ko talaga alam
At ang sabi, eh paano naman kami
Ako ay napatigil at nag-isip, nag-isip
Ano ang sasabihin ko sa iyo
Alam kong kailangan na malaman mo
Kailangan at may karapatan ka na malaman
[Chorus 1]
Ito ba ay paalam na?
Ito ba ay paalam na?
Ito ba ay paalam na?
Ito ba ay paalam na?
Nag-buntong hininga
Parang di na makakilos
Di naman katapusan ng mundo
Pero di naman masisisi ang maramdaman ng puso ko
Ganito lang talaga ako
Abangan ang susunod na kabanata
Ang pagsubok na ito
Sa tulong mo ay kakayanin ko
[Chorus 2]
Ito ba ay paalam na? (kaibigan)
Ito ba ay paalam na? (kapatid)
Ito ba ay paalam na? (kapamilya)
Ito ba ay paalam na? (kapuso)
Ito ba ay paalam na? (sinta)
Ito ba ay paalam na?
Bakit naman ako aalis
Pinamana ko na sa inyo ang aking puso
Hindi naman ako aalis
Di ko ata kakayanin iwan ka
Huwag ka nang umiyak
Sayang ang luha
Sayang, sayang, sayang, sa...
(Repeat 4x)
Huwag ka nang umiyak
Sayang ang luha