Bakit kaya nagkaganyan
Ang ating kapaligiran
Doon, dito ay luhaan
Kahit saan may tangisan
Bakit kaya naghihirap
Tayong mga lumilikha
Ng yaman ng ating bansa
Tayong mga manggagawa
Tanong ko sa inyo
Isa lamang mga kaibigan ko
Tanong ko ay pakinggan nyo
Saan tayo patutungo
Saan mula rito
[Instrumental Interlude]
Ngunit nagbabago ang lahat
Kung tayo ang siyang gaganap
Lakbayin natin kahit may kalayuan
Ang maaliwalas na daan
Tatlong bundok man ang hadlang
Sa ating paroroonan
Hukayin natin hanggang sa mawala
Tayo'y ganap na lalaya
Tanong ko sa inyo
Isa lamang mga kaibigan ko
Tanong ko ay pakinggan nyo
Kailan tayo patutungo
Sa kalayaan mula rito
Ngayon tayo patutungo
Sa kalayaan mula rito
Sa kalayaan mula rito
