Gusto kong magpaliwanag sa yo
Ngunit ‘di kinakausap
Di ko na asahang diringgin mo
Nakatingala sa ulap
Alam kong nasaktan na naman kita
Ngunit ‘di ko naman sinasadya
Hinding-hindi na mauulit sinta
Sana’y maniwala ka
[Chorus]
Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit ano’y gagawin
Para lang sa ‘yo
Sabihin mo na
Kung papano mo mapapatawad
Ilang araw ng hindi pinapansin
Ilang araw pang lilipas
Nakatanga sa harapan ng salamin
Naghihintay ng bawat bukas
Lahat naman tayo’y nagkakamali
Sinong ‘di nagsasala
Ngunit papanong babawi sa pagkakamali
Yun ang mahalaga
(Repeat Chorus)
[Bridge]
Patawarin mo sana sinta
‘Di ko sinasadya
(Repeat Chorus)
Sabihin mo na sinta
Sabihin mo na
Kung papano mo mapapatawad
