Sa sinapupunan mo ako nagmula
Binigyan ako ng puwang at laya
Binigyan ako ng saganang lupa
Upang sakahin at payamanin
Binigyan ako ng ilog at dagat
Upang sisirin at doon maglayag
Binigyan ako ng ulan at araw
Upang sumibol ang binhi ng buhay
Sa kandungan ng kalikasan
Dito ako isinilang
Sa kandungan ng kalikasan
Dito ako nabubuhay
Sa kandungan ng kalikasan
Dito ako hihimlay
Sa kandungan mo ako natutong umibig
Nangarap abutin ang tala sa langit
Sa kandungan mo ako natutong umawit
Salamat, salamat, mahal kong daigdig
Sa kandungan ng kalikasan
Dito ako isinilang
Sa kandungan ng kalikasan
Dito ako nabubuhay
Sa kandungan ng kalikasan
Dito ako isinilang
Sa kandungan ng kalikasan
Dito ako nabubuhay
Sa kandungan ng kalikasan
Dito ako hihimlay
