Ano bang gagawin, puso bang susundin
Mahal kita pero di ka naman makuha sa tingin
Prinsesa ng kaba kapag nandyan ka na
Nanginginig ang tuhod na parang kakaiba
[Refrain]
Mahal kita, mahal kita
Makinig ka sa akin
At kung mawawala ka ay
Hahanapin pa rin
[Chorus]
Nagtataka sa puso kong parang naliligaw
Nagtatakang nagtatanong
Kung ba't ikaw ang siyang sinisigaw
(Tuliro)
Ano kaya kapag ako sayo'y magpakilala
Pangalan ko kaya'y palagi mong maaalala
"Mahal kita" sa panaginip lang kayang sabihin
Kung magtanong ka ma'y hindi ko na kayang aminin
[Refrain]
Mahal kita, mahal kita
Makinig ka sa akin
Ibigin din ako
Hindi mo rin ba kayang gawin
(Repeat Chorus)
[Bridge]
Ano kaya mamahalin mo rin kaya ako
Magpapaakin ka kaya nang buong buo
[Chorus]
Nagtataka sa puso kong
Parang naliligaw
Nagtatakang nagtatanong
Kung bakit ikaw ang siyang sinisigaw
Ikaw ang siyang sinisigaw