Pinakamagandang panaginip ko'y ikaw
Isang magandang bukas na ngayo'y natatanaw
Pinakamagandang pangarap ang tayo'y magkasama
Sa isang mundo sa aking pinakamaganda
Pinakamamahal, pinakamamahal kita
Ligaya ka ng puso ko pinakamamahal ka
Ngayon lang umibig ng ganito
Ngayon lang may nagsabing pinakamamahal ako
Ligaya ka ng puso kong nagmamahal sa 'yo
Pinakamatamis na pag-ibig ay ikaw
Ikaw ang natagpuan ng puso kong di naligaw
Pinakamagandang nangyari ang tayo'y nagkasama
Sa isang mundo aking pinakamasaya
Pinakamamahal, pinakamamahal kita
Ligaya ka ng puso ko pinakamamahal ka
Ngayon lang umibig ng ganito
Ngayon lang may nagsabing pinakamamahal ako
Ligaya ka ng puso kong nagmamahal sa 'yo
Ngayon lang umibig ng ganito
Ngayon lang may nagsabing pinakamamahal ako
Ligaya ka ng puso kong nagmamahal sa 'yo
Pinakamamahal ka
Nagmamahal sa 'yo
Pinakamamahal
