Abente kwatro na ng disyembre
Wala pa kong regalo
Ubos ang pera
Butas ang bulsa papano na 'to
Nalibot na ang bawat mall at shopping center
Walang makita pwedeng mahingi na libre
Minamahal ko pagbigyan sana ako
[Refrain]
Kung pwede lamang
Ang gagawin ko para sa 'yo
[Chorus 1]
Sisindihan ko ng kandila ang buong Ayala
Bawat simbahan ako’y magpapamisa
Buong Pilipinas bubuhusan ng saya at kanta
Para sa 'yo
Nung dating christmas
Kahit papano meron akong regalo
Ngayon mahirap maraming gastos
Kapus pa ang sahod ko
Ohh sana maintindihan ang aking kalagayan
Ang ninanais lamang ay iyong kaligayan
Labas sa gastos lahat ay gagawin ko
[Refrain]
Kung pwede lamang para sa christmas
Itong alay ko
[Chorus 2]
Sasamahan kita sa simbang gabi
At noche buena
Magkakaroling ako sa 'yo hanggang umaga
Sa araw ng pasko ipapasyal kita sa Luneta
[ad lib]
[Refrain]
Kung pwede lamang para sa christmas
Itong alay ko
[Chorus 3]
Isasama kita bumisita sa 'king ninong at ninang
Hahanapin ang mga kamag-anak na balikbayan
Lahat ng pasalubong nila ibibigay ko sa 'yo
(Repeat Chorus 1)
Para sa 'yo
Maligayang Pasko
