Pasko na, sinta ko
Hanap-hanap kita
Bakit magtatampo't
Nilisan ako?
Kung mawawala ka
Sa piling ko, sinta
Paano ang Pasko?
Inulila mo
Sayang, sinta, ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak
Kung mawawala ka
Sa piling ko, sinta
Paano ang Paskong
Alay ko sa 'yo
[Interlude]
Kung mawawala ka
Sa piling ko, sinta
Paano ang Pasko
Inulila mo
Sayang, sinta, ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak
Kung mawawala ka
Sa piling ko, sinta
Paano ang Paskong
Alay ko sa 'yo
