Pare ko, meron akong problema
‘Wag mo sabihing “na naman?”
In-love ako sa isang kolehiyala
Hindi ko maintindihan
[Refrain 1]
‘Wag na nating idaan
Sa mabuting usapan
Lalo lang madaragdagan ang
Sakit ng ulo at bilbil sa t’yan
Anong sarap, kami’y naging magkaibigan
Napuno ako ng pag-asa
‘Yun pala, hanggang doon lang ang kaya
Akala ko ay pwede pa
[Refrain 2]
Masakit mang isipin
Kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging seryoso
Saka ka n’ya gagaguhin
[Chorus]
O, Diyos ko, ano ba naman ito?
‘Di ba, tangina, nagmukha akong tanga?
Pinaasa n’ya lang ako
Lecheng pag-ibig ‘to, ohh…
Diyos ko, ano ba naman ito?
Oh.. woh…
Sabi n’ya, ayaw n’ya munang magka-syota
Dehins ako naniwala
‘Di nagtagal, naging gano’n na rin ang tema
Kulang na lang ay sagot n’ya
[Refrain 3]
Ba’t ba ang labo n’ya
‘Di ko maipinta
Hanggang kailan maghihintay
Ako ay naiinis na
[Bridge]
Pero minamahal ko s’ya
‘Di biro, TL ako sa kanya
Alam kong nababaduyan ka na sa mga sinasabi ko
Pero sana naman ay maintindihan mo
O, pare ko (o, pare ko), meron ka bang maipapayo
Kung wala ay okey lang (kung wala ay okey lang)
Kailangan lang (kailangan lang) ay ang iyong pakikiramay
Andito ka ay ayos na (andito ka ay ayos na)
[Repeat Refrain 2]
(Repeat Chorus)
‘Di ba, langhiya, nagmukha akong tanga
Pinaasa n’ya lang ako
Lecheng pag-ibig ‘to
Diyos ko, ano ba naman ito?
Oh.. woh…
Oh..