Pahat kong puso sa wikang pag-ibig
Tumitibok ng hindi mo malirip
Ito'y ligaya kaya o sakit ?
Ang idudulot sa abang dibdib?
Tala ng kagandahan sa aking karainga'y
Pahiwatigan lamang kung may pag-asa pang kakamtan
At kung sakali't mamarapatin ang dulot kong pagigiliw
Tangi kong popoonin hanggang ang buhay ko ay makitil.
At kung mamamarapatin ang dulot kong paggiliw
Tangi kong popoonin hanggang ang buhay ko ay makitil.
