INTRO
Paano mo malalaman itong pag-ibig ko sa ‘yo
Paano mo mararamdaman ang, ang tibok ng puso ko
Kung lagi kang kinakabahan na ika’y masasaktan
Pangako ko ang puso mo’y hindi pakakawalan
Paano mo maiintindihan na ako’y nananabik
At kailan ko kaya madarama ang tamis ng ‘yong halik
Kung lagi mong inaatrasan ang sugod ng nagmamahal
Sana nama’y pagbigyan mong hiling ng puso ko
[CHORUS]
Subukan mong magmahal, o giliw ko
Kakaibang ligayang matatamo
Ang magmahal ng iba’y ‘di ko gagawin
‘Pagkat ikaw lang tanging sasambahin
Huwag ka nang mangangamba
Pag-ibig ko’y ikaw, wala nang iba
Paano mo malalaman itong pag-ibig ko sa ‘yo
Paano mo mararamdaman ang tibok ng puso ko
Kung lagi kang kinakabahan na ika’y masasaktan
Pangako ko ang puso mo’y hindi pakakawalan
[Repeat CHORUS 4x]
[Fading]
