Naisip mo na ba kung
Bakit ang mga tala
Laging nakasilip sa iyo
Naghihintay na lang sa hiling mo
Na sana'y maging tayo
Di malabong mangyari
Lagi kong sinasabi
Sa 'king piling ikaw ay hindi paluluhain
Puso ko ay para lang sa'yo
Sana'y mahal mo rin ako
[Chorus]
Tignan mo ang sikat ng araw
Nakangiti sa iyo
Mahalin mo na raw ako
Pakinggan mo ang sinisigaw ng ulan
Sa piling ko raw di ka pababayaan
Nandito lang ako maghihintay sa 'yo
Sagutin mo lang ako ng OO
Huwag mong isipin na dinadaan kita sa mga magandang awitin
Ang tanging nais ko ay malaman mo
Ang pag-ibig ko sa yo'y totoo
Huwag magduda aking sinta
Ako ay hindi nambobola
Saksi ang langit
Sa pag-ibig na ngayo'y aking sinasambit
Puso ko'y para lang sa 'yo
At sana'y mahal mo rin ako
(Repeat Chorus)
