Di mo lang alam, naiisip kita
Baka sakali lang, maisip mo ako
Di mo lang alam, hanggang sa gabi
Inaasam makita kang muli
Nagtapos ang lahat sa di inaasahang
Panahon at ngayon ako'y iyong iniwang
Luhaang sugatan at di mapakinabangan
Sana magtanong ka lang kung di mo lang alam
Sana'y nagtanong ka lang kung di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo ako
Hindi mo lang alam, kay tagal nang panahon
Ako'y nandirito pa rin hanggang ngayon, para sa iyo
Lumipas mga araw na ubod ng saya
Di pa rin nagbabago ang aking pagsinta
Kung ako'y nagkasala, patawad na sana
Ang puso kong pagal, ngayon lang nagmahal
Di mo lang alam ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo namang
Puro siya na lang, sana'y ako naman
Di mo lang alam, ika'y minamasdan
Sana'y iyong mamalayang hindi mo lang pala alam
Hindi mo lang alam
Kahit tayo'y magkaibigan lang
Bumabalik lahat sa tuwing nagkukulitan
Baka sakali lang, maisip mo namang ako'y nandito lang
Hindi mo lang alam, matalino ka naman
Kung ikaw at ako ay tunay na bigo
Sa laro na ito ay dapat bang sumuko
Sana'y di ka na lang pala aking nakilala
Kung alam ko lang ako'y 'yong masasaktan ng ganito
Sana'y nakinig na lang ako sa nanay ko
Di mo lang alam ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo namang
Puro siya na lang, sana'y ako naman
Di mo lang alam, ika'y minamasdan
Sana'y iyong mamalayang hindi mo lang pala alam
Ohh...
Malas mo...
Ikaw ang natipuhan ko
Di mo lang alam, ako'y iyong nasaktan
