Nasaan ka irog,
Nasaan ka irog?
At dagling naparam ang iyong pag-giliw?
'Di baga sumpa mo, ako'y mamahalin?
Iyong itatangi, iyong itatangi
Magpa-hanggang libing,
Subalit nasaan ang gayong pagtingin?
Nasaan ka irog?
At natitiis mong ako'y mangulila,
At hanap-hanapin ikaw sa alaala
Nasaan ang sabi mong
Akoy' iyong ligaya
Ngayo'y nalulungkot, ngayong nalulungkot
Ay di ka makita
Irog ko'y tandaan
Kung ako man ay iyong ngayo'y siniphayo
Mga sumpa't lambing pinaram mong buo
Ang lahat sa buhay ko ay hindi maglalaho't
Masisilbing bakas ng nagdaan 'tang pagsuyo.
Tandaan mo irog, irog ko'y tandaan
Ang lahat sa buhay ko ay hindi maglalaho''t
Magsisilbing bakas ng nagdann 'tang pagsuyo,
Nasaan ka irog,
Nasaan ka irog?
