Di mo ba napapansin sa mga nakaw kong tingin?
Ang hindi masabi ng labi ay kinukubli sa ngiti
Hanggang kailan ko dadalhin aking lihim na pagtingin
Kung hindi mo pa alam, ewan ko na lang
[chorus]
Dinggin ang di kayang sabihin
Ng puso kong malapit nang mangawit
Di ka ba nagtataka sa mga kinikilos kong
Halos di magkandarapa at nauutal-utal pa
Patawarin mo ako kung ang kinikilos ko
Ay kabaliktaran ng tunay na nadarama ko
(Repeat Chorus)
Ahh......(2x)
Ano pang di ko kailangang gawin
Upang iyong mapansin?
Kelan ba matatapos ang awit
Ng pusong nangangawit?
Patawarin mo ako kung ang kinikilos ko
Ay kabaliktaran ng tunay na nadarama ko
(Repeat Chorus 2x)
Ahh......(4x)
