Kung gabing ang buwan sa langit ay nakadungaw;
Tila ginigising ng habagat sa kanyang pagtulog sa tubig;
Ang isang larawang puti at busilak,
Na lugay ang buhok na animo'y agos;
Ito ang Mutya ng Pasig,
Ito ang Mutya ng Pasig.
Sa kanyang pagsiklot sa maputing bula,
Kasabay ang awit, kasabay ang tula;
Dati siyang Paraluman, sa Kaharian ng pag-ibig,
Ang pag-ibig ng mamatay, naglaho rin ang kaharian.
Ang lakas niya ay nalipat, sa puso't dibdib ng lahat;
Kung nais ninyong siya'y mabuhay, pag-ibig niya'y inyong ibigay.