Minsan sumakay ako ng jeep, galing ng eskuwela
Meron akong nakita sumakay na magandang dalaga
Itong chick ay sexy talaga at sos ang dating
Kaya naisipan kong magpacute at magpapansin
O anong tuwa ko nang abutin ko ang kanyang bayad
Para akong asong ulol baw waw waw na nagkakandarapa
Halos magkanda-haba haba haba haba haba haba
Ang aking kamay sa pag-abot ng kanyang sukli
Sabay bigla akong nag hi. Hi!
Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman ako ay bigyang pansin
Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman ako'y bigyan tingin
(tingin naman diyan)
(tingin naman diyan)
Isa lang po ang aking problema
Kung paano ko siya makikilala
Eh pumara ang jeep, sumakay si lola
Eh puno na pala
Kahit di ko gawain, ako'y
Napilitan lola dito ka na
Nang ako'y nakasabit na bigla
Ang bulong niya baka ka madisgrasya
Ako'y na shock sa caring niya
Ako'y na shock kasi concern siya
Pumalakpak ang aking tenga
Plak, plak, plak, ang sabi na aking tenga
Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman ako ay bigyang pansin
Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman ako'y bigyan tingin
(tingin naman diyan)
(tingin naman diyan)
Pagdating sa dulo biglang natraffic may banggaan daw sa kanto
Nagkabanggaan ang aming tingin, nauwi sa mabuting usapin
Nagkabanggaan, nagkahabaan ang aming usapan
Mula kababawan hanggang kalaliman, di ko namalayan
Siya pala ay papara na
Goodbye goodbye ang sabi niya
Goodbye goodbye hanggang sa muling pagkikita
Goodbye, goodbye, goobye
Goodbye, goodbye
Nakalimutan kong itanong pangalan niya at tirahan niya
Nakalinutan kong isulat phone mumber niya o beeper number niya
Nakalimutan kong sabihin ang pangalan ko at ang bayan ko
Nakalimutan ko nakalimutan ko nakalimutan ko pati bayad ko
Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman ako ay bigyang pansin
Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman ako ay bigyang tingin
Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman ako'y kausapin
Miss miss sa loob ng jeepney
Pamasahe mo'y aking aabutin
Paano kita hahanapin paano kita hahagilapin
Eh hinabol ako ng driver na sinasakyan natin
Kaya, kaya, kaya, kaya
Nag 1-2-3 ako takbo na
