Sira-sirang lansangan
Hikaing mga sasakyan
Sa gabi't araw na digmaan
Makapal na usok ang iniiwan
Mga tulay na marupok
Gusaling nabubulok
Ilog na di na umaagos
Puno ng basura't alikabok
Ikaw lamang, wala ng iba
Sa dibdib mo ipipikit ang mata
Tahanan ng aking kamusmusan
Maynila
Ikaw lamang, wala ng iba
Sa dibdib mo ipipikit ang mata
Tahanan ng aking kamusmusan
Maynila
[Interlude]
May dalang sakit ang hangin
Ang dagat ay kulay itim
Wala ng isda sa ilog
Wala na ring ibon sa langit
Ikaw lamang, wala ng iba
Sa dibdib mo ipipikit ang mata
Tahanan ng aking kamusmusan
Maynila
Ikaw lamang, wala ng iba
Sa dibdib mo ipipikit ang mata
Tahanan ng aking kamusmusan
Maynila
Ikaw lamang, wala ng iba (ikaw lamang)
Sa dibdib mo ipipikit ang mata
Tahanan ng aking kamusmusan
Maynila
Ikaw lamang, wala ng iba (ikaw lamang)
Sa dibdib mo ipipikit ang mata
Tahanan ng aking kamusmusan
Maynila
