Irog ko'y dinggin ang tibok ng puso
Sana'y damdamin hirap nang sumuyo
Manong itunghay ang matang mapungay
Na siyang tanging ilaw ng buhay kong papanaw.
Sa gitna ng karimlan, magmadaling araw ka
At ako ay lawitan ng habag at pagsinta.
Kung ako'y mamatay sa lungkot, nyaring buhay
Lumapit ka lang, lumapit ka lang at mabubuhay
At kung magkagayon Mutya, mapalad na ang buhay ko
Magdaranas ako ng tuwa ng dahil sa iyo
Madaling araw na sinta
Liwanag ko't tanglaw
Halina Irog ko at mahalin mo ako
Mutya'y mapalad na ang buhay ko
Nang dahilan sa ganda mo
Madaling araw na sinta
Liwang ko't tanglaw
Halina Irog ko at mahalin mo ako
Manungaw ka liyag
Ilaw ko't pangarap
At Madaling araw na.
