Sa tapat ng laging palangiting araw;
Na lumalaganap sa dagat silangan,
May Mutyang masuyo't libid kayamanan,
Na giliw ang handog sa pusong may damdam;
O Bayang maligaya ng aking pag-giliw,
Pusong lakambini kalong salamisim.
Ang iyong pagluha'y sandaling pigilin,
Ang kundimang ito mutya, iyong dinggin.
Bulaklak ng aking laging pinithaya;
Ang ika'y makitang may sariling laya!
Sa dagat silanga'y, butihing Diwata,
Mayama't mapuri bihis sa dalita.
Mayama't mapuri bihis sa dalita.
Magandang Diwata!
Diwata!
