I
Mabuti pa ang kumot mo kasama pag gabi
Mabuti pa ang unan mo kayakap sa gabi
Sa pag-uwi mo sila ang ‘yong kasama
At sa pagtulog wala ng iba
Iyan ba nama’y pagseselosan ko pa
Kung maaari lang naman
Ako na lang sana ang
Maari mong gawin na kumot at unan mo
II
Mabuti pa ang baso may tikim ng ‘yong halik
Naiinggit ang labi kong laging nananabik
At sa paggising ‘yan ang naaalala
Tuwing umaga wala ng iba
‘Yan ba nama’y pagseselosan ko pa
Kung maaari lang naman ako na lang sana ang
Maari mong gawin na kumot at unan mo
[Refrain]
Pangarap kita kahit papano kita iisipin
Pangarap kita dinggin mo sana ang aking awitin
Pangarap kita gawin mo sana akong pangarap mo rin
(Repeat verse I)
Kumot at unan mo
Kumot at unan mo