Dumating na ang bagong araw
Salubungin nating dal’wa
Sa bawat bukas na darating
Tayo’y may pag-asa
Makulay ang ating buhay
Minsa’y puno ng pagsubok
Lahat ito’y lilipas din
Tadhana’y matatanaw
[Refrain]
Hawakan mo’ng aking kamay
Sabay tayong maglalakbay
Wag ka nang mangamba
Landas nati’y iisa
[Chorus]
Kailanman.. ako’y sa’yo lamang
Kailanman.. ang pangako ko sayo’y
Di na magbabago
Kailanman
Sa tuwing ako’y nalulumbay
Ginhawa ang iyong ibinibigay
Ilaw ka sa kadiliman
Kulay ka ng aking buhay
(Repeat Refrain)
(Repeat Chorus)
[Bridge]
Ohh… ohh… ohh…
(Repeat Chorus)