Sana ay malaman
Na ako’y nandito lamang
Kung iyong kailangan
Balikat na sasandalan
Sana ay iyong isipin
Sugat ng damdamin
Kahit ito’y malalim
Ay makakayanan rin
[Refrain]
Makakaya mo, kaibigan ko
Kalakip mo ang mga dalangin ko
[Chorus]
Mga pangarap mo ay pangarap ko
At kahit na ano’ng mangyari
Narito para sa’yo
Na kasama mo
At karamay mo
Habang buhay mong kaibigan
Pangako ko sa iyo
Tayo man ay magkalapit
Tayo man ay magkalayo
Isang tawag mo lamang
Ay darating ako
Pangarap ko, kaibigan
Hindi ka mag-iisa
Tulad din ng ‘yong pagdamay
Kapag kailangan ka
[Refrain 2]
Marating sana
Mga pangarap mo
Kaligayahan mo’y
kaligayahan ko
(Repeat Chorus 2x)