I.
Kaibigan, tila yata matamlay
Ang iyong pakiramdam,
At ang ulo mo sa kakaisip
Ay tila naguguluhan,
Kung ang problema o suliranin
Ay lagi mong didibdibin
Ay tatanda kang bigla
Pag tumulo ang luha
Hahaba ang iyong mukha
At ikaw ang siyang kawawa
II.
Iniwanan ka ng minamahal mo sa buhay
At nabigla,
Sinamba mo siya
Binigyan mo ng lahat
At biglang nawala,
Ang buhay mong alalahanin
At wag naman maging maramdamin
At tatanda kang bigla
Pag tumulo ang luha
Hahaba ang iyong mukha
At ikaw ang siyang haa.....
[Refrain]
Kasama mo ako
Kasama rin kita
Sa hirap at ginhawa
Aking kagabay mo
May dalang pag-asa
Limutin siya, limutin siya
Marami pang iba
III.
Kaibigan,
Kalimutan mo na lang ang nakalipas
Kung nasilaw siya
Napasama sa ibang landas
Kaibigan, kaibigan, kaibigan, kaibigan
Marami pang malalapita
Mababait at di naman pihikan