Kung saan-saan na napadpad
Naglakad, lumangoy, at lumipad
Tuwing akala ko, pag-ibig ay tunay na
Hindi pala, hindi pala
[refrain]
Nung hindi na nakatingin at saka ka dumating
Nandyan ka lamang pala
Di ka lang nagsasalita
[chorus]
Ikaw pala, aking hinahanap
Ang bahaghari ko sa likod ng ulap
Ikaw ang hulog ng langit, sa puso kong napunit
Dahil sa dramang paulit-ulit
Kanina ka pa ba nariyan?
(Ikaw pala) Ang aking hinahanap-hanap
(Ikaw pala) Awit na di matanggal sa aking isipan
Di na mahalaga, kung saan ako dalhin ng hangin
Basta’t nandito ka sa 'king piling
[repeat refrain and chorus]
Ikaw pala...ah...ah
Ikaw pala
(Sino? nasaan? Kailan pa ba?)
Ikaw pala
(Sino? nasaan? Kailan pa ba?)
Ikaw pala
(Sino? nasaan? Kailan pa ba?)
Ikaw pala