Lagi, naghahanap itong puso
Ng iyong kalinga
Hindi, nagagalaw itong mundo
Pag wala ka sinta
[Refrain 1]
Paano na ang mga araw
Kung wala sa piling mo
Bawat sandaling lilipas
Nababalot ng lungkot
[Chorus]
Ikaw lang ang kailangan
Upang maituloy ang mga nasimulan
Ikaw lang ang iibigin
Bawat sandali ng aking buhay
Sa aking mga sinasabi magtiwala ka
Ang tangi kong kailangan ikaw lang
[Instrumental Interlude]
Kapag, ang pagmamahal na alay ko
Sana’y pakinggan mo
Giliw, huwag kang lilisan
Dito ka lang sa tabi ko
[Refrain 2]
Yakap mo'y aking kailangan
Upang di lamigin
At hindi kita iiwan kahit kailan
Pangako yan
(Repeat Chorus)
(Repeat Refrain 1)
(Repeat Chorus)
Ang tangi kong kailangan ikaw lang
