Mula nang makilala ka
Buhay ko’y biglang nag-iba
Kay saya ng bawat sandali
Kailanma’y hindi ipagpapalit
Ikaw ang aking hiniling
Sa habang buhay ay makapiling
Ngunit mahal ikaw ay nasaan
Aking minimithi ay ikaw lamang
[Chorus]
Ikaw ang aking pangarap
Ikaw ang sagot sa aking dasal
Puso ko ay inaalay
‘Pagkat minamahal kitang tunay
Ikaw ang aking pag-ibig
Ang nagbibigay kulay sa 'king daigdig
Wala nang nanaisin pa
Kung magpakailanman ay kasama ka
[Interlude]
Ngunit mahal ikaw ay nasaan
Aking minimithi ay ikaw lamang
Ikaw lamang
[Chorus]
Ikaw ang aking pangarap
Ikaw ang sagot sa aking dasal
Puso ko ay inaalay
‘Pagkat minamahal kitang tunay
Ikaw ang aking pag-ibig
Ang nagbibigay kulay sa 'king daigdig
Wala nang nanaisin pa
Kung magpakailanman ay kasama ka
Ikaw ang pangarap…
Ikaw ang aking pangarap…
