Nasan na tayo? Hindi ba tayo nawawala
Tabi mo muna yung auto
Parang gusto ko nang bumaba
Ayoko sanang huminto
Ngunit masyado nang malayo
Pano hindi na tayo muling makatingin
Wag kang matakot
Yan ang sinabi mo sa akin
Ako nagmamaneho
Wala kang dapat alalahanin
Dadalhin kita kahit saan mo man gusto
Kahit saan tayo magpunta
Hindi ka lalayo
Iisa lang, ang dapat mong tandaan
Iisa lang, ang ating pupuntahan
Iisa lang, walang ibang paraan
Iisa lang, saan ka man magdaan
Tuloy ang biyahe,
Walang ibang iniisip
Kundi ang magpahangin
At pagtripan ang mga sari saring tanawin
Sayang ang buhay kung di mo sulitin ang saya at saysay
Pano kung bukas ay bigla kang mamatay
Iisa lang, ang dapat mong tandaan
Iisa lang, ang ating pupuntahan
Iisa lang, walang ibang paraan
Iisa lang, saan ka man magdaan
Iisa lang, isa lang, isa lang
Iisa lang, isa lang, isa lang
Iisa lang, isa lang, isa lang, isa lang, isa langit
Iisa lang ang ating pupuntahan
