Ba't pag kasama kita
Iba ang nadarama
Pintig ng puso ko'y di na tumitigil
Sa aking mga mata
Wala nang hihigit pa
Wala pang nakitang katulad mo
Hindi ba kaibigan lang
Ang turing mo sa'kin
Sana ay malaman mo
Sa yo'y may pagtingin
[Chorus]
Iingatan ko ang pag-ibig mo
Lahat ay gagawin alang-alang sa 'yo
Narito ako ang kaibigan mo
Kay tagal ng may lihim na pagmamahal
At pangako sa 'yo
Iingatan ang pag-ibig mo
Pangarap ka noon pa
Tibok ng puso'y iba
Sadyang nahulog sa 'yo itong damdamin
Ikaw ay sasagutin
Sa langit mo ay dalhin
Ang puso ko'y para lang sa iyo
Hindi ba kaibigan lang
Ang turing mo sa akin
Sana ay malaman mo
Sa yo'y may pagtingin
(Repeat Chorus)
Sana'y ikaw at ako
Sana'y magkatotoo
Tayong dalawa ay di magwawalay
Pangakong habang buhay
Sa iyo lang iaalay
Pagtitinginang walang kapantay
(Repeat Chorus 3x to fade)