Ako'y isang ibong sawi
Na hindi na makalipad
At sa puso'y may sugat
Wala pang lumingap
Inabot ng hatinggabi
Sa madilim na paglipad
Saan kaya ngayon
Ang aking pugad
Sa mata mo'y
May isang langit ng pangarap
Sa puso mo'y
Mayrong kang pugad ng paglingap
Kung ako'y mamamatay
Sa kapighatian
Sa puso mo lamang
Muli akong mabubuhay
Sa puso mo'y
Mayrong kang pugad ng paglingap
Kung ako'y mamamatay
Sa kapighatian
Sa puso mo lamang
Muli akong mabubuhay
