Kay bilis naman ng panahon
Kailan lang tayo nagkatagpo
Pareho ng hangarin iibig sa atin
Ay matagpuan at hindi makakawala
Di natin pinilit ang pagkakataon
Pagkakaibiga'y nauwi sa pagmamahalan
Ngunit ika'y nagbago natakot ang iyong puso
Na mahulog at umibig muli
[Chorus]
Huwag mong iwan ang puso kong mag-isa
Pagkat mabuhay ng wala ka'y di makakaya
Sa sandaling ikaw ay lumisan
Wala ng pag-asa sa 'ki'y maiiwan
Huwag mong sayangin ang pagmamahal
Ng ating pinangarap ng kay-tagal
Minsan lang sa buhay natin ang ganito
Mahal ko, huwag mong iwan ang puso ko
(Repeat Chorus 2x)
Hmm...
