Kapansin-pansin ang 'yong ganda ngayong gabi
At ang lungkot sa iyong mga ngiti
Ang kislap sa iyong mga mata’y wala na
Nakita sa 'yong tinging nagsasabing
Tapos na ang lahat sa atin
[chorus]
Ito na ang ating huling gabi
Hagkan natin ang bawat sandaling nalalabi
Ng gabing kailanma’y di malilimutan
Habang mata’y nakapikit, niyakap mo akong mahigpit
Hanggang lumuhang kay pait
Hanggang sa kahuli-hulihang saglit
Kumapit tayong tunay na pagkahigpit-higpit
Hanggang may dumulas
Hanggang hindi na kaya
Sino ang unang bumitaw?
sino ang unang bumigay?
Sino ang unang bumitaw?
sino ang unang bumigay?
(repeat chorus)
Hagkan natin ang bawat sandaling nalalabi
Ng gabing kailanma’y di malilimutan
Habang mata’y nakapikit, niyakap mo akong mahigpit
Hanggang lumuhang kay pait
Hanggang sa kahuli-hulihang saglit