Akala ko mahirap tanggalin
Ang lungkot at ang pananabik
Akala ko tuluyan nang nilimot
Ng puso ang alaala mo
Akala ko sabay ng panahon
Lilipas ang hapdi ng kahapon
Akala ko mabuti pa sa piling ng iba
Mahirap tanggapin ako'y nagkamali pala
[Chorus]
Manggang ngayon ikaw pa rin
Ang hinahanap hanap
Ng aking puso ko't damdamin
Hanggang ngayon walang iba
Dito sa puso ko ika'y nag-iisa sinta
Akala ko tanda ng iyong ngiti
Ang pag-asa na makita kang muli
Akala ko natutunan ko na limutin ka
Ngunit hindi pala
(Repeat Chorus)
[Bridge]
Hindi ko makakaya kung
Wala sa piling mo
Kailangan ko'y ikaw
Dito sa buhay ko
(Repeat Chorus)
Hanggang ngayon
