Dati-rati
Laman ng puso mo ay ang pangalan ko
Lagi ako sa isip mo
Dati-rati
Inaawitan pa, labi ay may ngiti
Mga mata'y nagniningning
Ngunit ngayon nagbago ka
Nasa'n ang init ng pagsinta
Pangako mo'y hindi magwawakas
Di ba't noon
Samyo ng bulaklak at ihip ng hangin ay kapansin-pansin
Di ba't noon
Takbo ng oras ay di mo napapansin
Laging naglalambing
Ngunit ngayon naglaho na
Sigla't tamis ng iyong pagsinta
Pagmamahal ko ba'y kailangan pa
Dati-rati
Mga pangako ko'y kandungan mo't lakas
Sa pagsubok ay kay tatag
Di ba't noon
Sa kaibigan mo'y akong bukambibig
Bakit ngayo'y anong lamig
Di mo alam
Ako'y nasasaktan
Sa di pagpansin sa
Aking pagmamahal
Lumapit ka't
Ako'y naghihintay
Naghihintay, ohh
Ako'y nasasaktan
Sa di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay
[Instrumental Interlude]
Di mo alam
Ako'y nasasaktan
Sa di pagpansin sa
Aking pagmamahal
Lumapit ka't
Ako'y naghihintay
Panginoon
Ako'y nabulag ng mandarayang mundo
Ako ay patawarin Mo
Mula ngayon ang buhay kong ito'y
Iaalay sa Iyo gamitin mo ako
Gaya ng dati