Ano kayang bukas ang darating
Sa bayang may pasakit pagka't biyaya'y pinagkait
Kayrami nang batang nagigising lamang
Sa maagang pagpanaw ng pag-asa o buhay
Buksan ang iyong puso
Huwag ka nang magsawalang-kibo
Pagluha'y di sapat
Ang kailangan ay pagganap
Ibahagi ang iyong panahon
Sa pagtugis ng nilalayon
[Instrumental Interlude]
Damhin mo ang hapdi at pait ng kahirapan
Na ngayo'y nararanasan ng iyong mamamayan
Ilan na bang mga musmos ang sinawi ng dalita
Ilan na bang mga bayani ang nag-alay sa lupa
Kailan mo pakikinggan ang tawag ng bayan
Ngayon na ang panahon
Ang pagkilos mo'y kailangan
Nagpipiglas ang damdamin
Maayang bukas ay yakapin
Buksan ang iyong puso
Huwag ka nang magsawalang-kibo
Pagluha'y di sapat
Ang kailangan ay pagganap
Ibahagi ang iyong panahon
Sa pagtugis ng nilalayon
