Bakit ako mahihiya?
Kung ang puso'y sumisinta?
Dapat ko bang ikahiya
Kung iibigin ko, ikaw, sinta?
Bakit ako mahihiya?
Kung sa iyo'y liligaya
Ang pag-ibig mo lamang
Ang syang tanging aliw sa buhay
Pagkat kita'y minamahal
[Refrain]
No'ng kita'y mahalin
'Di ko na inisip
Ang kinabukasan ko
Ang nadarama ko'y iniibig kita
Pag-ibig na walang maliw
Sabihin man nila
Na ako'y isang baliw
Kung dahil sa iyo giliw
Ay tatanggapin kong maluwag sa dibdib
Pagkat mahal kita
(Repeat 2nd Stanza)
