[Chorus]
Imulat mo ang ‘yong mga mata
Gumising ka’t nandito na’ng umaga
Bago ka maiwa’t tuluyang makalimutan
Konting bilis kami ay naghihintay
[Verse]
Bumangon na’t lisanin ang ‘yong kama
Napawi na’ng dilim
Tapos na’ng pananaginip
Manalig ka’t buksan ang iyong isipan
Lahat ay makakamit
Paliparin ang ‘yong mithiin
[Refrain]
Umawit ka kasabay ng musika
Simulan ang buhay
[Verse II]
Kumilos na’t lumabas mula sa lilim
Araw ay umiigting
Damhin ang kanyang init
Amuhin pagbugso ng kapalaran
Malayo pang lalakbayin
May puso lamang papalarin
[Refrain]
Pag-asa’y tangan mo sa ‘yong kamay
Ang kinabukasa'y abot-tanaw
Lumingon ka sa iyong madaratnan
Dinggin ang ‘yong tawag
(Repeat Chorus)
(Repeat Verse)
(Repeat Refrain)
[Chorus]
Imulat mo ang ‘yong mga mata
Gumising ka’t nandito na’ng umaga
Bago ka maiwa’t tuluyang makalimutan
Konting bilis kami ay naghihintay (4x)