Ako'y anak ng dalita
Na tigib ng luha
Ang naritong humihibik
Na bigyan ng awa
Buksan mo ang langit
At kusa mong pakinggan
Ang aking ligalig
Saka pagdaramdam
Ay, kung hindi ka mahahabag
Sa lungkot kong dinaranas
Puso't diwa'y nabibihag
Sa dilim masasadlak
Magtanong ka kung 'di tunay
Sa kislap ng mga tala
Magtanong ka rin sa ulap
Ng taglay kong dalita
Sa dilim ng gabi
Aking nilalamay
Tanging larawan mo
Ang nagiging ilaw
Kung ikaw ay mahimbing
Sa gitna ng dilim
Ang iyong ihulog
Puso mo sa akin
Tanging larawan mo
Ang nagiging ilaw
Ang iyong ihulog
Puso mo sa akin
Ang iyong ihulog, ang iyong ihulog
Buhay, pag-asa, pag-asa
