(mark)
Alam kong ikaw ay bata pa
Walang malay sa mundo
Ngunit damdamin ko sa ‘yo
Tila nahuhulog
(sarah)
Bata mang ituring,
Ako’y mayroong pagtingin
Huwag mo sanang mapansin
Ako’y naglalambing
(duet)
Dahil hindi pa tamang panahon
Upang magmahalan
Kahit ang puso ay nasasaktan
[CHORUS]
Ako’y maghihintay lamang sa ‘yo
Hanggang umabot tayo sa takdang panahon
Magtitiis, magbibigay
Kahit umabot pa habambuhay
Ako’y maghihintay
(mark)
Habang ako’y naghihintay
Huwag sanang magbago
‘Di ko kakayanin na
Ikaw ay lumayo
(sarah)
Darating din ang araw
At sasabihin ko
Kung ano ang tunay kong
Nadarama sa ‘yo
(duet)
Dahil hindi pa tamang panahon
Upang magmahalan
Kahit ang puso ay nasasaktan
[CHORUS]
Ako’y maghihintay lamang sa ‘yo
Hanggang umabot tayo sa takdang panahon
Magtitiis, magbibigay
Kahit umabot pa habambuhay
(mark [sarah])
At hindi magbabago [at hindi magbabago]
Ang damdamin ko sa ‘yo [ang damdamin ko sa ‘yo]
(duet)
At balang araw ay magtatagpo
Ang mga puso
[CHORUS]
Ako’y maghihintay lamang sa ‘yo
Hanggang umabot tayo sa takdang panahon
Magtitiis, magbibigay
Kahit umabot pa habambuhay
Ako’y maghihintay