Bawat araw naghihintay
Kailan ka nga ba darating?
Paulit ulit na tanong sa sarili
[Refrain]
Bawat minuto'y kaytagal
Patuloy akong nadidiin
Umiiksi ang oras di maibabalik
[Chorus]
Kaytagal na naghintay ngayo'y wala pa rin
Pag-ibig lang naman ang tangi kong hiling
Kaytagal na naghintay ngayo'y wala pa rin
Pag-ibig lang naman aking hiling
Hanggang ngayo'y umaasa
Hanggang ngayo'y nananabik
Na kahit 'sang saglit ako ay mapansin
(Repeat Refrain)
(Repeat Chorus)
[Bridge]
Ano pa ba ang dapat kong gawin?
Sana'y kahit minsan mapansin mo rin
Hanggang kailan ako magtitiis?
Kailan ka nga ba darating?
Pag-ibig lang lang naman aking hiling
(Repeat Chorus)
Pag-ibig lang naman aking hiling...
